Wala yung team meyt ko sa kalapit na upuan. Bumiyahe daw sa lugar ng giyera. Nanlaki saglit mga mata ko. Totoo ba ito, ibig sabihin ba bibiyahe ba talaga ako dun? Nakipagkwentuhan ako, totoo raw, marami daw bumibiyahe. Yung mga pinoy daw ang kwento, kung nakakarinig ng missile ay nag-ii-smile na lang =)
Sa paglilibot ko, nakalimutan ko din takot ko, kasi :
-- Maganda yung toilet, maliit lang pero parang kasing linis sa hotel
-- Maraming pinoy at palangiti sila (mahalaga yun :) ). 40% daw pinoy
-- Pastel colored yung tables sa pantry
-- May isang freezer sa pantry na puno ng sopdrinks, libre
-- May little pantry malapit sa pwesto ko
-- Hindi kailangang magsukbit ng pagkakakilanlan para makapasok, daliri lang ang ini-scan pambukas ng pinto
(pasingit -- ang opis gurl ay isang kababayan namin at sumusweldo ng AED 3500, saya ko para kanya =) )
Ang babaw ko ano? Pero ganito lang siguro, nakaka-aappreciate sa mga bagay na matagaltagal ding hindi nararanasan. Ako man ay blessed sa maliliit na bagay pero hindi ko pinapansin na para sa iba ay ikakaligaya nila.
Higit sa lahat, nagpapasalamat ako nang lubos at tinanggap ako sa trabaho pagkatapos ng hassle na hindi ako nakasipot sa napag-usapang araw ng pasimula ng trabaho dalawang linggo ang nakakaraan...