Buhay Akawntant
January 07, 2010Para kaming buntis na buwan buwan nanganganak. Limang araw kada buwan kung mag-leybor, na pag nakapagluwal na ay simula nanaman ang paglilihi hanggat manganak ulit sa susunod na buwan. Ganito daw buhay opis namin sa maneyjment akawnts, sabi ng katrabaho ko. Monthend kung tawagin na kailangan isara ang mga libro.
Sabi pa pala nya sa akin, kung ako man daw ay magtrabaho sa iba, ay huwag ko daw ulitin ang mga pagkakamali ko. Palibhasa ay dakila akong mahiyain at mapagpakumbabang Igorot ~ dapat daw laging taas noo pag nakikipag-usap, confident ba lagi. Gayahin daw ang mga puting lahi na kahit na hindi nila alam ay on top pa rin sila sa sitwasyon. Eto ang kulang sa ating mga Pinoy, palibhasa ay parang napipilipit dila natin na sabayan pag-ingles nila, lalo pa kung iba-ibang lahi na tila ba di natin masabayan ang jargon nila. Eto natutunan ko - sila sila mandin ay iba't iba ang salita nila sa iisang bagay kayat di dapat tayo mag-alanganin na parang hindi angkop ang ating mga salita.
Syanga pala, malaking bagay ang pagprojek ng bilib sa sarili, this could translate sa malaking sahod o kaya'y malaking posisyon. Maraming nakakakuha ng posisyon na dahil lamang sa magaling magsalita, kahit na hindi maalam.
Hanggang sa susunod na kuro-kuro =)
0 COMMENTS