Ingles ng Ipit

December 05, 2009

Nakakahiya pero gusto ko lang isulat na ang hirap naman mag-ingles, hehe. Nag-googoogle kami ngayon ng ingles ng naipit/ ipitin (ang bahagi ng katawan). Hindi namin alam kung paano sabihin kay Kalel na: Mag-ingat ka at nang hindi ka maipit. Masyadong general yung: You could hurt yourself.

Eto ang suggestion ng tagalog-dictionary.com:
ipit ­ ip´itin (-in) v. to crush. Huwag mong ipitin ang kamay mo. Don't crush your hand (e.g. on the car door). maipit (ma) v. to get caught in between, to be clipped. Naipit siya sa pinto. She got pinched in the door [She (her hand, foot, etc.) got caught in the door].

Hmmm, pero parang alanganin a. Tatanungin ko na lang siguro sa ibang lahi na katrabaho ko =( , hahaha. Di ba nga kasi, sana hindi awkward pakinggan lalo na pag sa bata mo sinasabi at naririnig ng ibang lahi. Halimbawa:

Tagalog - Baka masira mo iyan.
English 1 (not usually heard from native speakers) - You could damage it.
English 2 (better)- You could break it. 

You Might Also Like

0 COMMENTS

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...