Buhay Dubai - Bahay
November 22, 2009
( I am reposting this please out from my Facebook notes, dated 11th July 2009.)
Kagagaling lang uli namin tingnan ung bakanteng apartments sa Al Rigga.
Prime location, malapit sa metro station, at ung isa sa may lumang building ay mukhang hindi istrikto sa sharing. Nagmura na kumpara nung nakaraang taon. 80k dirhamo kada taon ang renta plus 5% agent's commission, plus 5% deposit na lang yung lumang 2 bedroom hall flat. Last year e 150k at 10% ang agent's commission.
Hindi sya furnished kayat kailangan ulit ng sampung libo dirhamo para sa mga gamit bahay. Wala ring parking kayat si Forky ay mangungupahan din sa kabilang kanto.
Two cheques lang daw, ibig sabihin anim na buwan na renta ang paunang bayad. Syempre wala kaming ganung pera kayat sa walang patubuan na housing loan sa kumpanya kukuha (hmm, hindi lahat ay may ganitong pribilehiyo).Yung isa naman na bago ay mas maluwang, furnished kitchen, two full baths, may shared gym, shared swimming pool at parking, ngunit 130k dirhamo kada taon at bawal ang sharing. Dahil sa istrikto ay matagal ding hindi napupuno. Naabutan ng recession.
Nakausap namin ang dalawang pinoy na nakatira doon. ayon sa isa, bawal man ay nagshesharing pa din sila. ayon naman sa ikalawa ay kung di namin kaya ang bayad ay huwag na namin i-attempt na umupa. dahil daw napansin na maraming pinoy ang patagong nagshesharing ay nagkakaroon na rin ng flat inspection at paaalisin ang mga mahuhuli.
Hindi naman yung dalawang kuwarto ang kailangan namin ngunit ito ay dahil sa requirement para makasponsor for residency. Otherwise, ok na sana na umupa na lang ulit ng kuwarto para less hassle sa annual tenancy contracts. Bumabait na ang mga real estate agents. DAti pag natunugan ka na Pinoy e uunahan ka nang "not for Filipinos", o kaya'y "not for sharing". Ngayon ay alas-onse ng gabi eh dina-drive ka pa upang i-tour sa apartment/ flat.
Nakakasama man ng loob na may "not for Filipinos" ay di mo sila masisi kasi ang mga Pinoy ay mga likas na practical. Di bale na makipagsiksikan, makapag-ipon lang. Halimbawa, ang mga ibang lahi ay gagasta ng between 4k to 7k dirhamo kada buwan sa upa, ang mga pinoy ay mahal na ang isang libo dirhamo kada tao. Ngunit marami na ring pinoy ang nag-a-allot ng 1.5k to 2k kada tao kada buwan para sa upa, natutong iadjust ang budget para makatira sa mga hindi masyadong crowded.
Sa sharing, walang hall, kasi paupahan na rin. Kada kuwarto ay may 4-10 tao nagsisiksikan. Walang privacy. Sa iba pa nga ay mix ang lalake at babae. Ang mga paliguan ay pinipilahan o kaya'y by schedule. Sa pagluluto ay pila din. Sa sharing, ang mga kurtina, kahon, cabinet atbp ang ginagawang partition. Ika nga, parang nagbabahay-bahayan.
Ngayon na maraming nawawalan ng trabaho ay hindi na nagririsk ang mga tao na umupa ng mahal. Ang mga presyo ng mga paupahan ay unti unting nagnonormalize. Five years ago, ang two bedroom flats ay 50k. Nagtriple ito mid-last year at nagsimulang bumaba ngayong taon.
Ang mga nabanggit na scenario sa itaas ay specifically sa mga prime areas gaya ng al rigga. dahil sa mga medyo mas malayo ay iba naman ang kwento. mas mura ang mga upa, ngunit kailangan magdrive/ commute ng additional hours/ traffic kada araw makauwi lang. ang iba naman ay malayo sa mga malls, simbahan, parks, atbp.
... heto kami ngayon hindi pa decided kung kukunin ung flat. umaasa sa mga haka-haka na maraming mababakante pagdating ng August at magmumura pa, sa ganun ay hindi na kailangang magsharing. sana nga bumaba pa...

0 COMMENTS